Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Aminado ang municipal engineer ng Nabas na hindi imposibleng
mangyari ulit ang land slide sa Sitio Tulingon Brgy. Libertad, katulad sa
nangyaring pagguho kamakailan lamang at natabunan ang National High Way sa
lugar na ito.
Ayon kay Engr. Rodgedy de Castro, Municipal Engineer ng
Nabas, hindi sila kampanate hanggang sa ngayon sa sitwasyon ng bundok na ito sa
Sitio Tulingon, lalo pa at nabatid nilang may bitak na at nalambot ang lupa
kaya pinanga-ngambahan itong bumigay kapag umulan.
Kaugnay nito, gumawa na aniya sila ng report sa Department
of Public Works and Highway-Aklan (DPWH-Aklan), ukol sa sitwasyon ng bundok na
ito at nagsumite na rin aniya sila ng rekomendasyon doon.
Samantala, nilinaw naman ngayon ni de Castro na maliban sa
Sitio Tulingon sa Libertad at Brgy. Habana sa Nabas, wala na silang nakitang
bundok na malapit sa High Way na mapanganib sa posibilidad na pag-guho.
No comments:
Post a Comment