Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Para masiguro ang kaligtasan ng mga turistang naglalayag sa
dagat habang nagsasagawa ng kanilang aktibidad katulad ng Island Hopping sa Boracay,
gaghigpit na ngayong ang pamunuan ng Boracay Island Hopping Association Multi
Purpose Cooperative (BIHA-MPC) sa kanilang mga bangka gayon din sa mga tripulanteng
miyembro nila para masigurong hindi na maulit ang nangyaring sakuna sa Sitio Ilig-iligan
sa Yapak kung saan sampung turista ang napasama sa tumaob na bangka, bagamat na
ligtas ang mga ito hindi naman pinalad ang kapitan ng bangka.
Sa panayam kay Rey Fernando Operation Manager ng BIHA, ginawa
nila ang paghihigpit na ito alinsunod na rin sa kautusan ng MARINA, na lahat ng
bangka ng kooperatibang ito ay magkaroon kahit isang unit ng radio, upang
madaling ma-contact mga tripulanteng miyembrong ng asosasyong ito habang nasa
laot at makaiwas sa oras ng hindi
inaasahang pangyayari gayon din ma-monitor ang mga ito.
Sapagkat ayon kay Fernando, bagamat uso na ang cellphone
ngayon, tiwala parin sila sa radio, lalo pa at may ilang bahagi ng isla na
walang signal unamo.
Dagdag pa nito, kailangang nakasuot na ng uniporme ang
kanilang tripulanteng miyembrong ng BIHA, upang madaling malaman kung kabilang
nga ito sa asosasyon nila.
Matatandaang dumanas ng sakuna ang isang bangka ng BIHA
kamakaylan lang, kung saan ang coordinator/tour guide na nakasampa doon ay
hindi rehistrado sa BIHA ayon kay Fernando.
No comments:
Post a Comment