Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Personal na sinadya ni Police Senior Supt. Conello Defensor
Provincial Director ng Aklan Police Provincial Office ang isla partikular ang
Boracay Police para masigurong maayos at mapabilis ang gagawing imbestigasyon
sa pagbaril at makapatay kay Crisanta Vicente, empleyado ng isang water sports
establishment sa Boracay kamakalawa sa Sitio Lapus-lapus, Barangay Balabag.
Kasabay nito, nabatid na sa ngayon ay dumating rin na ang
ni-request na tao mula sa Regional Office para magawa na ang cartographic
sketch ng itinuturong suspek at responsable sa pagpatay sa biktima sa tulong na
rin ng witness.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa matukoy ng awtoridad kung
sino ang salarin at kung ano ang motibo sa krimen.
Dahil dito, puspusan na ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng
Boracay Special Tourist Police Office o BSTPO para makilala at matugis na ang
bumaril nakapatay at tumangay sa perang dala ng biktimang si Vicente nang
mangyari ang krimen, na pinapaniwalang nagkakahalaga ng mahigit P100,00.00
No comments:
Post a Comment