Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Aminado ang Municipal Transportation Officer ng Malay na si
Cezar Oczon, na may karagdagan na ngayong isang daang piso ang bayarin ng mga
driver operator at driver ng triclycle sa Boracay kapag magrenew ang mga ito ng
kanilang prangkisa.
Ayon kay Oczon, kailangan ng ngayon kumuha ng Identification
Card ang lahat ng mga driver ng tricycle sa Boracay at mainlang Malay sa PESO o
Public Employment Service Office ng bayang ito, at ang babayran sa pagkuha ng
ID na ito ng isang daang piso.
Ito ay dahil maliban umano sa ID ng mga driver ngayon sa
isla na ibinigay at kinuha sa BLTMPC o Boracay Land Transportation
Multi-Purpose Cooperative, nais na rin ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay
na mabilang kung may ilang tricycle driver na sa isla ng Boracay at sa mainland
Malay.
Layunin din, ayon kay Oczon, ng LGU sa pagpakuha ng ID na
ito, ay upang magkaroon din ng rekord ang lokal na pamahalaan ng Malay, sa
pagka-kilanlan ng mga driver na ito.
No comments:
Post a Comment