YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 10, 2012

Aklan Gov. Carlito Marquez, nanghihinayang sa reklamasyon sa Caticlan


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Isa sa naging laman ng State of the Province Address (SOPA) ni Aklan Governor Carlito Marquez noong ika-walo ng Pebrero, ang ukol sa gumaganda pang industriya ng Turismo ng Aklan lalo na ang pag-lago ng turismo ng Boracay.

Sa ulat ng gobernador, ikinatuwa umano nito ang pagtaas ng bilang ng mga turista sa Boracay nitong nagdaang taon ng 2011, gayong din tumaas ang kita ng Caticlan Jetty Port kasabay ng pagdami ng mga turistang ito.

Dahil dito, kumpiyansa ang nasabing gobernador na ngayong 2012 ay kakayanin nang maabot ang isang milyong tourist arrival para sa Boracay.

Subalit sa SOPA nito, ipinaabot ni Marquez ang labis niyang pinanghihinayangan sa pagpapatigil ng reklamasyon sa Caticlan, kung saan ito na sana aniya ang sulosyon sa problemang kinakaharap ng mga turista,  dahil sa kulang pa sa pasilidad at hindi mabigyan ng maayos na serbisyo dahil sa li-lima lamang ang pantalan para sa mga bangka.

Inihayag din ng nasabing gobernador, na ang turismo ang isa sa malaking pinagkukunan ng kita ng probinsiya.

Samantala, nabatid na ngayong taon ng 2011 kumita ang pantalan ng RORO sa Caticlan Jetty Port ng mahigit dalawangput apat na milyong piso kumpara noong nagdaang taon ng 2010 na kumita lamang ng mahigit dalawangput dalawang milyong piso. 

No comments:

Post a Comment