Pages

Friday, February 10, 2012

Landslide sa Nabas, hindi imposibleng maulit


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Aminado ang municipal engineer ng Nabas na hindi imposibleng mangyari ulit ang land slide sa Sitio Tulingon Brgy. Libertad, katulad sa nangyaring pagguho kamakailan lamang at natabunan ang National High Way sa lugar na ito.

Ayon kay Engr. Rodgedy de Castro, Municipal Engineer ng Nabas, hindi sila kampanate hanggang sa ngayon sa sitwasyon ng bundok na ito sa Sitio Tulingon, lalo pa at nabatid nilang may bitak na at nalambot ang lupa kaya pinanga-ngambahan itong bumigay kapag umulan.

Kaugnay nito, gumawa na aniya sila ng report sa Department of Public Works and Highway-Aklan (DPWH-Aklan), ukol sa sitwasyon ng bundok na ito at nagsumite na rin aniya sila ng rekomendasyon doon.

Samantala, nilinaw naman ngayon ni de Castro na maliban sa Sitio Tulingon sa Libertad at Brgy. Habana sa Nabas, wala na silang nakitang bundok na malapit sa High Way na mapanganib sa posibilidad na pag-guho.

Matatandaang kamakailan lamang, na stranded ang mga pasahero lalo na ang mga turista sa nasabing Barangay ng magkaroon ng land slide, gayong tanging ang kalsadang ito ang nag-iisang daan papasok at palabas ng Caticlan at papuntang Kalibo.

No comments:

Post a Comment