Pages

Sunday, February 05, 2012

Imbestigasyon sa pagpatay sa babaeng watersport staff, sinubaybayan ni PD Defensor


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Personal na sinadya ni Police Senior Supt. Conello Defensor Provincial Director ng Aklan Police Provincial Office ang isla partikular ang Boracay Police para masigurong maayos at mapabilis ang gagawing imbestigasyon sa pagbaril at makapatay kay Crisanta Vicente, empleyado ng isang water sports establishment sa Boracay kamakalawa sa Sitio Lapus-lapus, Barangay Balabag.

Kasabay nito, nabatid na sa ngayon ay dumating rin na ang ni-request na tao mula sa Regional Office para magawa na ang cartographic sketch ng itinuturong suspek at responsable sa pagpatay sa biktima sa tulong na rin ng witness.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa matukoy ng awtoridad kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa krimen.

Dahil dito, puspusan na ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Boracay Special Tourist Police Office o BSTPO para makilala at matugis na ang bumaril nakapatay at tumangay sa perang dala ng biktimang si Vicente nang mangyari ang krimen, na pinapaniwalang nagkakahalaga ng mahigit P100,00.00

No comments:

Post a Comment