Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Inaasahang hindi na umano tataas ang presyo ng gulay, bigas, prutas at mga karne sa probinsiya ng Aklan ngayong Disyembre.
Ito ang inihayag ni Uldurico Las Peñas, Senior Agriculturist ng Provincial Agricultures Office, sapagkat may sapat umanong suplay ng mga produktong ito sa Aklan na hindi na kailangan mag-import pa sa ibang lalawigan.
Sakaling kulangin naman, ayon dito, hindi naman ito tataas ng ganong talaga kalaki, sa halip ay bahagya lang umano ang pag-galaw sa presyo, dahil hindi naman umano ganoon kahirap ang mag-transport ng mga produktong ito papuntang Aklan dahil may Roll-On-Roll-Off (RORO) naman.
Idinagdag pa nito na ang kalimitan aniyang probinsiya na pinagkukunan ng Aklan ng mga pruduktong ito ay Mindoro, Cebu at ilang pang kalapit probinsiya.
Samantala, sa kabila ng naranasang mga pag-ulan kamakailan lamang, hindi naman umano apektado ang mga palayan dito, kaya halos sobra sa makokonsumo ng Aklanon ang bigas mayroon dito ngayong ayon kay Las Peñas, katunayan ay nag-e-export pa umano tayo sa ibang kalapit lalawigan katulad ng Antique at Capiz.
No comments:
Post a Comment