Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hanggang sa kasalukuyan ay walang pang naisusumeteng plano ang mga stakeholder sa Boracay kaugnay sa pinag-uusapan noon hinggil sa planong disenyo ng beach protection o sea wall para hindi mapasok ng tubig ang mga establishemento sa Boracay.
Ito ang kinumpirma ni Engr. Elezer Casidsid, kung saan layunin na magkaroong ng isang disenyo lamang nang sa gayon ay maging kanais-nais sa paningin ng mga turista ang baybayin ng isla.
Napagkasunduan na ito ng lokal na pamahalaan ng Malay at nangako ang mga stakeholder na sila ang gagawa ng akmang disenyo sa isinagawang pulong tungkol sa nasabing usapin ilang buwan na ang nakakalipas.
Ngunit magtatapos na ang 2011 ay hindi pa ito naisusumite sa Engineering Department upang mai-presenta at ma-aprubahan sana ng konseho.
Ang akmang desinyo sana ng seawall sa Boracay ay para sa proteksiyon ng mga establishimiyento sa front beach, at pinapaniwalaan isa sa mga solusyon para maiwasan ang sand erosion dito.
Matatandaang noong nakaraang summer ay nagkaroon ng problema sa baybayin ng Boracay kung saan lumitaw ang mga tubo ng tubig, sewer at kuryente kasabay ng naranasang beach erosion dito.
Samanatala, ayon kay Engr. Casidsid patuloy pa nilang hinihintay ngayon ang disenyo na isusumite mga stakeholders.
No comments:
Post a Comment