YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 05, 2011

Pagtutulungan laban sa papautok ngayong Pasko, ikinampanya ng RHU Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi lang ang nagtitinda ng paputok ang dapat sisihin kung may mga batang naputukan ngayong malapit na ang Pasko at Bagong Taon, dahil ito ay pangunahing resposibilidad ng mga magulang.

Ito ang inihayag ni Dr. Adrian Salaver, Municipal Health Officer ng Malay.

Bagamat sinabi nito nasa magulang na dapat ang pagmonitor sa kanilang mga anak, iginiit nito na mas mainam pa rin para maka-iwas sa pagkadisgrasya sa paputok ang publiko kung ang lahat ay magtulungan.

Hindi lamang ang magulang, ang Department of Health (DoH), kundi maging ang awtoridad, opisyal ng bayan at Barangay ay dapat makiisa din sa kampanya kontra paputok.

Ayon dito, ang pagbibigay babala at paalala sa publiko para mag-ingat sa paputok at ang mahigpit na pagpatupad sa batas at regulasyon ukol dito ay malaking tulong para maka-iwas sa sakuna kasunod ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. 

Umaasa din si Salaver na magkakaroon ng inspeksyon sa mga tindahan na hindi pinahihintulutang magbenta nito para makumpiska at maka-iwas disgrasya.

Aminado din ang nasabing mangagamot, na bahagi din ng kampaniya ng Rural Health Unit ng Malay ang mapanatiling ligtas ang publiko laban sa mga paputok.  

No comments:

Post a Comment