Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Pansamantalang natigil ang karaniwang operasyon ng mga taga Boracay PNP kaninang umaga, nang sorpresang dumating ang mga taga SOCO o Scene of the Crime Operatives doon.
Isinailalim kasi ang mga ito sa Random Drug Testing, kung saan aktuwal na isa-isang pinagbawas ng duming tubig sa katawan ang mga pulis upang mabatid kung gumagamit ng ipinagbabawal na droga ang mga pulis dito sa isla.
Ayon kay Police Supt. Macario Taduran, provincial chief ng SOCO Aklan.
Layunin umano ng naturang random drug testing na linisin ang mga kapulisan kaugnay sa Integrated Transformation Program ng Philippine National Police.
Samantala, ayon pa kay Taduran, dapat na lahat ng mga pulis ay sumailalim dito upang mapanatili ang tiwala ng kumunidad.
Kaugnay nito, nagbabala naman si Taduran sa mga pulis na kakasuhan ang sinumang tumangging sumailalim sa random drug testing.
No comments:
Post a Comment