YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 05, 2011

Karne sa Aklan, ligtas mula sa sakit

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sakaling kulangin ang suplay ng karne sa Aklan ngayong Pasko at Bagong Taong at may papasok na pruduktong katulad nito dito, ipinagmalaki ni Uldurico Las Peñas, Senior Agriculturist ng Provincial Agricultures Office, na ligtas ang probinsiyang ito mula sa Double Dead at kung anong sakit na madadala ng karne katulad ng “Foot And Mouth Disease”.

Ayon dito, lahat ng karne at process meat na pinapasok dito ay masusi nilang sinisiyasat at idinadaan sa “quarantine” sa tulong din ng DTI o Department of Trade and Industry.

Wala din dapat ikabahala ang publiko sa karne na dito lang din sa Aklan nagmula, sapagkat wala naman sakit ang mga hayop na nasa buong probinsiya, kaya ligtas ang mamili ng karne dito.

Maliban dito, naka-linya na rin umano sa mga gagawin nila ngayong sa tulong ng ilang ahensiya  sa mga bayan sa Aklan ang pag-siyasat sa mga kiluhang ginagamit sa palengke, para masigurong nasa eksakto ang timbang ng mga mabibili ng publiko.

Gayon pa man, sa kabila ng pahayag ni Las Peñas, mariing nitong sinabi na maging mapag-masid pa rin sana ang publiko lalo na sa pagpili at bantayan kung nasa  tamang timbang ng kanilang binibili.

No comments:

Post a Comment