Posted October 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Pina-alalahanan
ni FO2 Jiovanni Saude ang publiko sa panayam sa kanya ng programang Boracay
Goodnews nitong Sabado, na mag-ingat sa pagsindi ng kandila at kailangan itong ipatong sa ligtas na lugar o lagyan ng
tubig ang baso bago ilagay ang kandila para maiwasan ang anumang insidente lalo
na ang sunog.
Sa mga aalis
naman ng kanilang bahay sa araw ng Undas, siguraduhing naka-switch off lahat ng
mga electrical appliances upang maiwasan ang sunog dahil isa rin ito na
pinagmumulan ng sunog.
Dagdag pa ni
Saude, maglalagay rin ang BFP ng mga emergency medical service personnel sa
bawat sementeryo para mag-monitor sa lugar.
Samantala,
patuloy ang kanilang pagbibigay ng mga flyers o mga paalala sa mga residente sa
Boracay at mainland Malay para sa pag-iwas ng sunog.
Paalala ni Saudi
kung may mga insedente ng sunog pwedeng
tumawag sa kanila opisina sa numerong 288-4198.
No comments:
Post a Comment