Posted October 30, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Dalawang araw bago ang All Saints and All Souls Day
Celebration kasado na ang ginawang paghahanda para sa seguridad ng publiko lalo
na ng turista sa isla ng Boracay.
Nitong araw ng Biyernes, nagpulong sa opisina ng Municipal
Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga magbabantay sa seguridad ng mga taong papunta at palabas ng isla.
Dito napag-usapan ang kanilang binuong Oplan Undas at ang
pagtatalaga ng mga force multipliers sa mga area ng matataong lugar katulad ng sementeryo,
simbahan at dalampasigan ng Boracay.
Ang nasabing meeting ay kinabibilangan ng MDRRMO rescue
team, Philippine Coast Guard Boracay, Maritime Police, Philippine Army, PCGA
Squadron 609 Capt Peter Tay, Kabalikat
Civicom, BFP Boracay, Jetty Port Administration, Transportation at ibang mga
volunteer/enforcers organizations.
Pina-alalahanan naman ng MDRRMO ang publiko bago umalis
ng bahay magdala ng maraming tubig, magpa-check up kung maganda ang kalusugan bago
bumiyahe at i-check ang schedule sa mga magbabakasyon para hindi ma-delay sa
kanilang biyahe.
Samantala, ang Boracay PNP ay naka-alerto naman sa
pagbuhos ng madaming turista kasabay ng long week end holiday at ng mga
Halloween party activities sa isla.
No comments:
Post a Comment