Posted October 31, 2017
Photo Credit to the Owner |
Umabot
sa mahigit kumulang kalahating milyong piso
na halaga ng mga alahas at cash ang natangay ng mga kawatan ng pinasok
ng mga ito ang tinutuluyang apartment ng biktima sa Sitio Angol,Brgy. ManocManoc isla ng Boracay.
Nangyari
ang insidente ng pagnanakaw noong October 26 kung saan kinilala ang biktimang
si Crisanta Moyo-Pederson, 46-anyos isang negosyante at pansamantalang
nagbabakasyon sa isla ng Boracay.
Ayon
sa biktima umaga na ng mapansin nito na nawawala na ang kanyag bag na
naglalaman ng P 300,000 na cash maliban pa sa 780 Singaporean Dollars ,
mamahaling gadgets at iba’t-ibang alahas.
Sa
panayam sa imbestigador ng kaso, hinati
umano ng dalawang suspek ang perang kanilang ninakaw.
Nabatid,
nahuli ang suspek na si Recto Ritos, 30-anyos na ini-refer na sa Provincial
Jail habang ang isa nitong kasamahan na minor de-edad na si Miguel Gonzales ay
nananatiling at-large.
Nagpapatuloy
ang paghahanap ng kapulisan sa suspek na si Gonzales.
No comments:
Post a Comment