Posted November 2, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Labis ang pagkadismaya ng mga residente sa area ng Sitio Lugutan Brgy, ManocManoc dahil sa masangsang na amoy na kanilang nalalanghap na dumadaloy sa outfall sa lugar.
Ayon sa isang residente, gusto niyang ipaalam sa Lokal na
Pamahalaan ng Malay na sila ay napeperwesyo na dahil sa hindi magandang amoy na
kanilalang nararanasan.
Nais nitong sa mga kinauukulang ahensya na may
koneksyon sa drainage system na kung maari ay bigyan nila ito ng pansin at aksyon
ang problemang kanilang kinakaharap.
Ayon sa isang residente malapit doon, pagtuunan dapat ito
ng pansin lalo at kalusugan ng mga naninirahan malapit sa lugar ang maaring
ma-apektuhan.
Kaugnay nito, nakikipagtulungan ang ibat-ibang ahensya sa
Lokal na Pamahalaan ng Malay para maresolba ang problema sa drainage system ng
isla.
Kung maalala, matagal ng suliranin ang drainage sa
nabanggit na lugar kung saan dito lumalabas ang maruming tubig dulot ng iresponsableng
pagtatapon ng waste water at hindi pag-konekta sa sewer line.
No comments:
Post a Comment