Posted November 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Ikinasa ng
Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay ang kanilang
blood letting activity sa darating na Nobyembre 6 taong kasalukuyan.
Hinikayat ng
MDRRMO Malay ang mga residente at empleyado ng ibat-ibang establisyemento sa
Boracay na maki-isa at maging bahagi sa kanilang gagawing aktibidad.
Nabatid na bago
isagawa ang blood letting activity kinakailangan munang suriin ang mga
mag-dodonate kung sila ba ay pasado o hindi.
Kaugnay nito
pinaalalahanan ang mga magdo-donate na bawal mag donate ng dugo ang mga intake
sa puso, nakainom ng alak, walang sapat na tulog, may maintenance na gamot, at
may sipon o ubo.
Samantala,
katuwang sa nasabing aktibidad ang Philippine Red Cross (PRC) Kalibo Chapter sa
pakikipagtulungan din ng iba pang Government Agency sa Boracay.
Ang bloodletting
activity ay magsisimula ng alas-nuebe ng umaga hanggang alas-dos ng hapon sa
City Mall Boracay.
Layunin ng
aktibidad na makalikom ng dugo para sa mga pasyenteng nangagailangan nito.
No comments:
Post a Comment