Posted September 25, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Isa nang malamig
na bangkay ng matagpuan ang isang lalaki matapos itong mawala sa kasagsagan ng
malakas na ulan sa Barangay Napaan.
Halos inabot ng
24-oras bago matagpuan ang bangkay ni Jemuel Montoya y Laba, 32- anyos at
residente ng Nagustan, Nabas pagkatapos mawala nitong Biyernes at matagpuang
nakalutang ang kanyang katawan sa karagatan ng Barangay Sambiray sa bayan ng
Malay.
Naunang
nabalitang nawawala ito matapos kumpirmahin ng opisina ng Municipal Disaster
Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) pagkatapos magsumbong ang
kasamahan nitong nawawala ang kanyang kaibigan habang sila ay papatawid sa
ilog.
Sa panayam kay
PO2 Gerald Ilig ng Malay PNP na sa kanila umanong imbestigasyon, nagpahayag ang
katrabaho ng biktima na magpapakain sana sila ng inaalagaang baboy ng naabutan rumaragasang
tubig ulan sa ilog dahilan para sila ay bumalik ng kanilang barracks.
Ayon pa sa
kaibigan ng biktima, nilangoy nila patawid habang malakas ang agos ng tubig
subalit sa kaniyang pag-ahon ay hindi na niya nakita si Montoya.
Noong una inakala
ng kaibigan ni Montoya na gumawa ito ng ibang paraan para makabalik subalit lumipas
ang oras ay walang indikasyon na ito ay bumalik sa pangpang.
Dahil dito,
nagpursige na ito na i-report ang insidente sa Barangay at Municipal Disaster
Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Malay para mahanap si Montoya.
Kinaumagahan,
matapos ang isang araw na paghahanap sa biktima nakita ng mga tanod ang katawan
nito na palutang-lutang na sa karagatan ng Sambiray Port.
Agad nila itong ini-report
sa mga kina-uukulan at ipinaalam sa mga kaanak ang sinapit ng biktima.
No comments:
Post a Comment