YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 27, 2017

Mga Boarding House paboritong target ngayon ng mga magnanakaw

Posted September 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Dalawang magkahiwalay na kaso ng pagnanakaw ang naitala sa Boracay PNP kung saan ang mga nilooban at ninakawan ay mga boarding houses.

Kahapon ng hapon, humingi ng tulong ang isang lalaki sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) matapos na pagnakawan ang kanyang Boarding House sa Sitio Bolabog isla ng Boracay.

Ayon sa biktima na si Ramil Quiseo, natangay umano ang mahigit P 45, 000 na halaga ng mga gamit gaya ng cellphone, laptop, at cash na P 2,000.

Sa pag-imbestiga ng pulis, posibleng dumaan ang magnanakaw sa  pader ng inuupahang boarding house.

Sa isa pang blotter entry, tatlong kababaihan ang dumulog sa pulisya para isumbong na nilooban din ang kanilang boarding house sa Brgy. ManocManoc, Boracay.

Ang tatlong nagre-reklamo ay kinilalang sina Cynthia Torres, 24-anyos, Carla Mae Dabalos, 25-anyos at Tamarah Glenn Baskerville, 22-anyos kapwa nagta-trabaho sa isang hotel sa lugar.

Sa salaysay ng mga biktima, nagulat si Dabalos na bukas ang pinto ng likurang bahagi ng kanilang inuupahang kwarto kung saan nakita niya dito ang suspek na gumagapang patungo sa kanilang higaan.

Dali-dali namang ginising ni Dabalos ang mga kasamahan nito na na-aktuhan din ang suspek at mabilis itong kumaripas palabas.

Sa kasamaang palad nakuha na pala ang ilang kagamitan ng tatlong biktima, isa na rito ang Power Bank, wallet, IDs, Passport at cash na P 1, 900.

Ang mga kaso na ito ay ini-refer na sa Intelligence Officer ng BTAC  para matukoy ang pagkakilanlan ng mga kawatan.

No comments:

Post a Comment