Posted September 29, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Nakatakdang magsagawa ng “Kasalang Bayan” ang Our Lady of
the Most Holy Rosary Parish Boracay sa susunod na taon.
Hinikayat ni Mylin Escultor, Parish Secretary ng HRP
Boracay ang mga hindi pa kasal at balak mag-pakasal na magpa-rehistro at maging
bahagi sa aktibidad na magbubukod sa kanilang pagsasama.
Ani Escultor, magdala lang ng Birth Certificate,
Baptismal at Confirmation Certificate at palista na sa kanilang opisina sa simbahan
para mapasama sa Kasalang Bayan na mangyayari
sa ika-10 ng Enero ng susunod na taon.
Bukas daw ito sa lahat ng mga wala pang-gatos sa kasal
dahil wala na umanong bayarin at sagot na ang kanilang pagkuha ng Marriage License
at Cenomar.
Dagdag pa nito, pati ang reception at pagkain ay sagot na
ng magso-sponsor ng Kasalang Bayan kung saan patuloy ang registration hanggang
Oktubre 16.
Pina-alalahan din ni Escultor sa mga magpapa-rehistro na
magdala agad ng photo copy ng kanilang mga requirements para ito ay kanilang
makompirma at hindi mahirapan sa pagkontak kung sila ba ay matutuloy sa
pagpapakasal.
No comments:
Post a Comment