Posted May 22, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pormal ng
nailunsad ang ang ika-siyam na Go Negosyo Center ng Department of Trade and
Industry sa isla ng Boracay ngayong araw.
Ang pasinaya ay
pinangunahan nina Malay Mayor Ceciron Cawaling, Vice Governor Reynaldo Quimpo,
Former Vice-Gov. Calizo-Quimpo, DTI Region-6 OIC Rebecca Rasco, at ang
kinatawan ni Senator Bam Aquino na siyang Author ng Go Negosyo Act na si Simon
Valencia.
Ayon kay
DTI-Aklan OIC Provincial Director Ma. Carmen Iturralde, ang pagbubukas ng Go
Negosyo Center ay para magbigay ng kaalaman sa mga potensyal na maliliit na negosyante
at sa mga magbubukas palang ng negosyo kung ano at paano mag-umpisa sa
binabalak na negosyo.
Sa pagkakaroon ng
Negosyo Center sa isla, pwede ng
i- ang aplikasyon sa Business Name Registration para sa mga MSME
o Micro, Small and Medium Enterprises kung saan inilatag ng DTI-Aklan ang mga
benipesyo nito sa mga mamamayan.
Malaki naman ang
pasasalamat ni Cawaling sa pagbukas ng
center sabay sambit na ito ay napakahalagang
programa na tutugon sa pag-lago ng maliit na negosyo sa Malay.
Napag-alaman, na
ito na ang ika-siyam na Negosyo Center na binuksan sa Probinsya at ika-509 sa buong
bansa.
Where is it located.
ReplyDelete