Pages

Tuesday, May 23, 2017

Negosyo Center sa Boracay, pormal nang nailunsad

Posted May 22, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image may contain: 1 personPormal ng nailunsad ang ang ika-siyam na Go Negosyo Center ng Department of Trade and Industry sa isla ng Boracay ngayong araw.

Ang pasinaya ay pinangunahan nina Malay Mayor Ceciron Cawaling, Vice Governor Reynaldo Quimpo, Former Vice-Gov. Calizo-Quimpo, DTI Region-6 OIC Rebecca Rasco, at ang kinatawan ni Senator Bam Aquino na siyang Author ng Go Negosyo Act na si Simon Valencia.

Ayon kay DTI-Aklan OIC Provincial Director Ma. Carmen Iturralde, ang pagbubukas ng Go Negosyo Center ay para magbigay ng kaalaman sa mga potensyal na maliliit na negosyante at sa mga magbubukas palang ng negosyo kung ano at paano mag-umpisa sa binabalak na negosyo.

Sa pagkakaroon ng Negosyo Center sa isla, pwede ng  i- ang aplikasyon sa Business Name Registration para sa mga MSME o Micro, Small and Medium Enterprises kung saan inilatag ng DTI-Aklan ang mga benipesyo nito sa mga mamamayan.

Malaki naman ang pasasalamat  ni Cawaling sa pagbukas ng center sabay sambit na ito ay napakahalagang  programa na tutugon sa pag-lago ng maliit na negosyo sa Malay.

Napag-alaman, na ito na ang ika-siyam na Negosyo Center na binuksan sa Probinsya at ika-509 sa buong bansa.

1 comment: