YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, May 26, 2017

Boracay, tututukan ng bagong DENR Chief

Posted May 26, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for boracay
Tututukan ng bagong talagang DENR Chief na si Environment Secretary Roy Cimatu ang isla ng Boracay para i-monitor ang kalidad ng tubig at waste management ng isla.


Ayon kay Cimatu, ang problema sa environment ang siyang pangunahin niyang aayusin sa mga tourists destination katulad ng Boracay kung saan tututukan niya ang pamamahala ng solid waste sa kilalang top attraction sa bansa.

Aniya, ang batas ay nariyan na at ang kailangan na lamang dito ay implementasyon kung saan may direktiba na rin umano ito sa DENR Officials ng Western Visayas ang pagbibigay sa kanya ng weekly reports kaugnay sa kalidad ng tubig sa Boracay.

Kaugnay nito, tutulong naman ang naturang ahensya sa Lokal na Pamahalaan ng Malay ukol sa isyu ng Solid Waste Management.

Nabatid na kilala ang 1,032-hectare island na ito dahil sa mala-polbong buhangin at ang malinis na dagat na dinarayo ng mga turista.

Kung matatandaan, nahaharap ngayon ang Boracay sa isyu ng basura at waste water management.

No comments:

Post a Comment