Posted May 24, 2017
Ni Danita Jean
Pelayo, YES FM Boracay
Nag-ugat ang usaping ito ng maging laman ng Privelege
Speech ni SB Dante Pagsuguiron ang tungkol sa isang establisyemento sa Balabag Area
kung saan ay sentro na pinupuntahan ng mga turista.
Ani Pagsuguiron, nagsisilbing sentro na umano na pasyalan
ng mga turista ang establisyementong ito subalit makikita naman dito ang
pagbaha ng nasabing lugar.
Kaugnay nito, nais ni SB Jupiter Gallenero na ipatawag
ang atensyon ng Boracay Island Water Company dahil sila ang in-charge sa
sewerage at ang may alam sa STP.
Kapansin-pansin umano na used water na ang lumalabas at
posibleng hindi konektado sa sewer dahilan kung bakit tumatagas at kung minsan
ay may kasama pang hindi kanai-nais na amoy.
Samantala, napagkasunduan ng SB na pagpaliwanagin ang mga
kinatawan ng mga ipapatawag para sa mas malinaw na pag-resolba sa isyu.
No comments:
Post a Comment