Posted May 24, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Ayon kay Executive Officer IV Rowen Aguirre, mayroon ng kabuuang
18 na mga CCTV Cameras na ikakabit para sa dagdag na seguridad sa isla kung
saan ang isa rito ay nasa Mainland.
Ang security cameras na ito ay bahagi ng Phase 2 project ng
lokal na pamahalaan ng Malay na may kabuuang budget na P6 million.
Layun nito na mamonitor ang matataong lugar para maagap
na matugunan sakaling may insidenteng nagyayari sa isla.
Suhestiyon naman ng mga kinatawan ng SB na dapat dagdagan
pa ang mga CCTV Cameras ng mas mapaigting pa ang seguridad at monitoring sa
isla.
Dagdag pa ni Aguirre, nakatuon na umano ang LGU-Malay sa
pag-activate ng isang Operation Center na nakabase sa isla para sa mabilis na koordinasyon
maging sa Emergency Team.
Samantala, magiging malaking tulong din ang mga CCTV sa
pagresolba ng anumang krimen na maaaring gamitin ng otoridad.
No comments:
Post a Comment