Pages

Wednesday, May 24, 2017

CCTV cameras, paiigtingin pa sa Boracay

Posted May 24, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for cctv camerasNaging usapin sa ginanap ng 15th Regular Session ng SB Malay ang tungkol sa pagkabit ng mga CCTV sa lahat ng mga crime prone areas sa isla ng Boracay.

Ayon kay Executive Officer IV Rowen Aguirre, mayroon ng kabuuang 18 na mga CCTV Cameras na ikakabit para sa dagdag na seguridad sa isla kung saan ang isa rito ay nasa Mainland.

Ang security cameras na ito ay bahagi ng Phase 2 project ng lokal na pamahalaan ng Malay na may kabuuang budget na P6 million.

Layun nito na mamonitor ang matataong lugar para maagap na matugunan sakaling may insidenteng nagyayari sa isla.

Suhestiyon naman ng mga kinatawan ng SB na dapat dagdagan pa ang mga CCTV Cameras ng mas mapaigting pa ang seguridad at monitoring sa isla.

Dagdag pa ni Aguirre, nakatuon na umano ang LGU-Malay sa pag-activate ng isang Operation Center na nakabase sa isla para sa mabilis na koordinasyon maging sa Emergency Team.


Samantala, magiging malaking tulong din ang mga CCTV sa pagresolba ng anumang krimen na maaaring gamitin ng otoridad.

No comments:

Post a Comment