Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isang sulat ang
ibinaba ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO Aklan) sa
Lokal na Pamahalaan ng Malay sa agarang paglipat ng residual waste sa Sanitary
Landfill sa Malay at pagpapahinto ng opersayon ng Centralize MRF sa Brgy.
Manoc-manoc.
Ang liham na
ipinadala ni PENRO Officer Ivene Reyes kay Mayor Ceciron Cawaling ay bilang
tugon sa ipina-abot na liham ni Manoc-manoc Punong Barangay Chona Gabay kay
DENR Secretary Gina Lopez.
Sa sulat ni
Gabay, nakapaloob din doon ang sulat-reklamo ng Manoc-manoc Elementary School
kung saan nakasaad ang epekto sa mga estudyante at pagkansela ng mga klase
dahil sa napakasangsang na amoy na nagmumula sa Centralized MRF.
Ayon sa PENRO, sa
ginawa nilang monitoring at inspeksyon sa lugar, wala umanong sistema ang
paghawak ng solid waste.
Ang operasyon
umano ay parang open dumping site kung saan nadiskubre rin nila ang pagbaon ng
biodegrable waste lalo na ang mga kitchen at market waste.
Paliwanag ng
PENRO, bagamat naiintindihan nila na mahirap itong ayusin dahil sa volume ng
basura, hindi rin nila pwedeng isantabi ang epekto sa kalikasan at kalusugan ng
mga residente dahil sa mabahong amoy.
Samantala sa
naganap na 9th Regular SB Session ng Malay, naisingit ni Sangguniang Bayan Member
Dante Pagsuguiron ang pagtanong sa ng Centralized MRF.
Ayon kay SB Datu
Yap-Sumndad, nagsagawa na umano sila ng pulong ng alkalde para sa usaping ito.
Sa pinakahuling
kalatas ng DENR Environmental Management Bureau, dahil sa paglabag ng
Centralized MRF sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Mangement Act of 2000, hiningi
nila sa namamahala na i-haul ang mga residual waste sa loob ng 30 days papuntang
landfill.
Sa pahayag ni
Executive Assistant IV Rowen Aguirre, sinabi nito na on-going ang kanilang mga
hakbang para sa pagsasa-ayos sa problema ng basura sa isla.
No comments:
Post a Comment