Pages

Thursday, March 16, 2017

PENRO, nagrekomendang isara ang Centralized MRF sa Boracay

 Posted March 16, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

No automatic alt text available.Isang sulat ang ibinaba ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO Aklan) sa Lokal na Pamahalaan ng Malay sa agarang paglipat ng residual waste sa Sanitary Landfill sa Malay at pagpapahinto ng opersayon ng Centralize MRF sa Brgy. Manoc-manoc.

Ang liham na ipinadala ni PENRO Officer Ivene Reyes kay Mayor Ceciron Cawaling ay bilang tugon sa ipina-abot na liham ni Manoc-manoc Punong Barangay Chona Gabay kay DENR Secretary Gina Lopez.

Sa sulat ni Gabay, nakapaloob din doon ang sulat-reklamo ng Manoc-manoc Elementary School kung saan nakasaad ang epekto sa mga estudyante at pagkansela ng mga klase dahil sa napakasangsang na amoy na nagmumula sa Centralized MRF.

Ayon sa PENRO, sa ginawa nilang monitoring at inspeksyon sa lugar, wala umanong sistema ang paghawak ng solid waste.

Ang operasyon umano ay parang open dumping site kung saan nadiskubre rin nila ang pagbaon ng biodegrable waste lalo na ang mga kitchen at market waste.

Paliwanag ng PENRO, bagamat naiintindihan nila na mahirap itong ayusin dahil sa volume ng basura, hindi rin nila pwedeng isantabi ang epekto sa kalikasan at kalusugan ng mga residente dahil sa mabahong amoy.

Samantala sa naganap na 9th Regular SB Session ng Malay, naisingit ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron ang pagtanong sa  ng Centralized MRF.

Ayon kay SB Datu Yap-Sumndad, nagsagawa na umano sila ng pulong ng alkalde para sa usaping ito.

Sa pinakahuling kalatas ng DENR Environmental Management Bureau, dahil sa paglabag ng Centralized MRF sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Mangement Act of 2000, hiningi nila sa namamahala na i-haul ang mga residual waste sa loob ng 30 days papuntang landfill.

Sa pahayag ni Executive Assistant IV Rowen Aguirre, sinabi nito na on-going ang kanilang mga hakbang para sa pagsasa-ayos sa problema ng basura sa isla.

No comments:

Post a Comment