Posted March 13, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Nasilayan na ang barkong MS Europa ngayong araw sa isla
ng Boracay.
Ito’y matapos na dumaong ang cruise ship kaninang
alas-onse y medya ng tanghali lulan nito ang apatnadaang katao kasama ang
tatlongdaang mga crew na magtatagal hanggang mamayang alas-syete ng gabi.
Nabatid na dumaan muna ang barko sa Tagbilaran bago
tumungo ng Boracay at maglalakbay patungong Malcapuya Island sa Coron Palawan.
Kaugnay nito, darating din bukas ang MS Celebrity
Constellation na isang maiden call na una nang naudlot ang pagdaong dahil sa
malakas na alon.
Samantala, ito na ang ikaapat na pagkakataon ng nasabing
barko at aasahan pa ang pagdating ng iba pang mga luxury cruise ship para sa
taong ito.
No comments:
Post a Comment