Posted March 15, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Sa nakaraang Sabado ang Condé Nast Traveler ay naglabas
ng isang video kung saan makikita dito ang labin-limang pinakamamahal na isla
ng mga readers.
Batay sa boto at survey, nangingibabaw pa rin ang
katagang “It’s More Fun in the Philippines” kung saan nga napasama ang Boracay
bilang top 1 sa Reader’s Choice Award 2016, pumapangalawa naman ang Palawan at
nasa ikalimang ranko ang Cebu.
Pinuri ang Boracay dahil sa kaaya-aya nitong baybayin at
ang ganda at takaw-pansin na sunset maliban pa sa “nightlife” ng isla.
Nabatid na sunod- sunod ang paghirang sa isla ng Boracay
bilang isa sa mga magagandang destinasyon ng mga bakasyonista at mga turista.
Magugunitang noong 2015, ang isla ng Boracay ay nasa sa labin-
limang pwesto sa Readers' Choice Award.
Ang Condé Nast Traveler ay isang luxury at lifestyle
travel magazine na nakabase sa New York City.
No comments:
Post a Comment