Posted March 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Papalapit na ang Super
Peak Season kaya naman dagsa na nanaman ang mga bumibisita sa isla ng Boracay.
Dahil dito,
patuloy ngayon ang isinasagawang training sa mga Lifeguard.
Ayon kay
Executive Assistant IV Rowen Aguirre, ang pagsasanay ay tuloy-tuloy habang
ginagampanan ng mga lifeguards ang kanilang tungkulin sa long beach ng isla.
Aniya, kahit na nabawasan ang mga Lifeguard ay “full force” pa rin naman ang kanilang hanay
para magbantay sa kahabaan ng long beach.
Ang mga Beach
Guard umano ngayon ay hindi lang sumisita ng mga lumalabag sa rules and
regulation ng isla dahil ang iba umano sa mga ito ay pwedeng ding sumagip ng
mga nalulunod at sumailalim din ang mga
ito sa pagsasanay.
Pag-amin ni
Aguirre, sa kasalukuyan ay meron lamang siyam na Lifeguards ang LGU sa buong
isla.
Samantala,
paalala parin sa lahat ng mga maliligo sa dagat na mag-ingat lalo na ngayon at
pabigla-bigla ang pagbabago ng panahon na nagreresulta ng paglakas ng alon at
pagtaas ng level ng tubig.
No comments:
Post a Comment