Posted April 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukas na araw ng
Miyerkules Abril 20, 2016 ang nakatakadang motorcade ni Presidential candidate Mayor
Rodrigo Duterte sa isla ng Boracay.
Dahil dito
nagsagawa na rin ng pag-pupulong ang Boracay Action Group (BAG) na pinangunahan nina BTAC PCInsp
Nilo Morallos at Deputy PInsp
Mark Anthony Gesulga kasama ang PA Task
Force Boracay Group (BAG) na si Capt Niño
Tonalejo sa Presidential
Candidate ni Duterte na si Security
Officer (Ret) PSupt Dionisio Abude at ang kanyang grupo.
Dito, pinag-usapan
nila ang tungkol sa ruta ng dadaan ng nasabing motorcade patungo sa isang event
na dadaluhan ni Duterte sa isla.
Nabatid na
inaasahan umano nila ang matinding trapiko sa isla bukas kasabay ng pag-sisilabasan
ng mga supporters ni Duterte.
Samantala, isang concert-rally
rin ang magaganap sa Pastrana Park sa bayan ng Kalibo bukas ng ala-1 ng hapon na
dadaluhan mismo ni Duterte kasama ang Mocha Girls.
No comments:
Post a Comment