Posted April 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpadala ng sulat sa Sangguniang Bayan ang Municipal
Health Office (MHO) Malay sa pangunguna ni Dr. Adrian Salaver.
Ito ay kaugnay umano sa sementeryo sa Balabag Boracay, kung
saan tinutukoy nito ang kalusugan ng mga tao sa lugar.
Napag-alaman kasi na marami umanong kabahayan sa paligid
ng libingan na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga taong nakatira na
malapit sa area.
Sinabi naman ni SB member Frolibar Bautista, na kailangan
talagang magkaroon ng distansya ang mga kabahayan sa area kabilang na ang
pagpapapatayo ng mataas na bakud.
Dahil dito ini-refer ng konseho ang naturang usapin sa
Committee on Land Use at sa Committee on Laws kung saan nakatakda itong
isailalim sa committee hearing.
Nabatid hinihigpitan ngayon ang monitoring ng MHO sa
pangunguna ng Sanitation Unit pagdating sa kalusugan at kalinisan ng mga tao sa
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment