YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 21, 2016

Duterte, matiyagang hinintay ng mga taga-suporta sa Boracay at Kalibo sa kabila ng ilang oras na delay

Posted April 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image by: Rody Duterte page
at Pastrana Park Kalibo, Aklan
Sa kabila ng halos ilang oras na pagka-delay ay matiyaga parin ang mga supporters ni Presidential candidate at Mayor Rodrigo Duterte sa pag-hihintay sa kanya sa isla ng Boracay at bayan ng Kalibo.

Bago ito sinasabing alas-12 ng tanghali darating si Duterte sa Boracay ngunit nagpalabas ng pahayag si Atty. Joseph Encabo, Team campaign ni Duterte na hindi na ito matutuloy sa isla dahil sa isang malaking meeting.

Image by Ms. D at Boracay Regency
Ngunit muling nagpalabas ng pahayag ang Executive Secretary ni Duterte na si Bong Go, kung saan sinabi nito na alas-2 ng hapon ay matutuloy ang pagdating ng Mayor sa isla ngunit inabot naman ito ng hanggang alas-4 ng hapon.

Mula sa Brgy. Yapak kung saan lumapag ang sinakyan nitong helicopter ay agad na dumirtso si Duterte sa Boracay Regency para dumalo sa isang convention sakay ng isang van kung saan hindi na nga natuloy ang motorcade nito dahil sa hinahabol na oras.

Matapos nito ay agad namang nagtungo si Duterte sa bayan ng Kalibo sakay ng kanyang helicopter kung saan sinasabing alas-9 na ng gabi nakarating ang Mayor at doon ay sinalubong siya ng libo-libong Aklanon supporters na ilang oras ng hintay sa kanya.

Samantala, sinasabing bago dumating sa Aklan ang Presidential candidate, ay nagsilabasan ang mga balita na magkakaroon ng assassination kay Duterte ngunit wala namang nagkumpirma tungkol dito.

Nabatid na umaga palang ay halos puno na ng mga supporters ang Balabag Plaza para sa pagdating ni Duterte gayon sa Pastra Park sa bayan ng Kalibo kung saan isinagawa ang concert/rally nito.

No comments:

Post a Comment