Posted April 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Photo Credit: Mar Schonenberger |
Muli na namang
tinanghal na kampeon ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council
(MDDROMO) ng bayan ng Malay sa isinagawang Rescuelympics ng Governors Cup 2016
sa Calangcang Sports Complex kahapon.
Ayon kay Local
Disaster Risk Management Council Officer 4 o ( LDRMCO) Head Galo Ibardolasa,
karapat-dapat naman umanong manalo ang MDRRMO Malay dahil sa kanilang
ipinakitang galing sa nasabing patimpalak.
Maliban sa
pagiging kampeon hinakot pa nila ang siyam na award laban sa labing isang bayan
na sumali dito kung saan nanalo sila bilang Best in first aid scenario, Best in
Fire Fighting, Best in Uniform, Best in safety analysis, Best in water search
and rescue, Best in Most discipline, Best in Multiple Casualty Scenario, Best
Swimmer at Best in admin for the first to third class Municipality.
Samantala, itinanghal
naman bilang 1st Runner up ang bayan ng Kalibo habang 2nd runner up naman ang
MDRRMO sa bayan Batan.
Nabatid na
tatlong sunod na taon ng nananalo ang MDDRMO ng Malay simula noong 2014, 2015
at ngayong 2016.
No comments:
Post a Comment