Posted April 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Inireklamo sa mga
pulis ng isang German national at may-ari ng isang resort sa Boracay ang
kanyang dating book keeper ng pagnanakaw.
Ito’y matapos
napag-alaman na hindi umano naibayad ng suspek na si certain “joy” ang pera
para sana sa BIR simula 2015 hanggang 2016 na nag-kakahalaga ng mahigit P6, 000.
Ayon sa
nag-rereklamong si Ludwig Borchers 64-anyos, wala umanong maibigay sa kanyang
resibo ang suspek matapos niya itong kunin sa kanya.
Sa kabila nito
hindi na rin mahagilap ng nag-rereklamo ang nasabing suspek simula ng umalis
ito noong Enero 2016 dahilan para ireklamo na niya ito sa mga pulis.
No comments:
Post a Comment