YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 07, 2016

Budget ng Malay sa 2017, aabot ng 450-M

Posted December 6, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for budgetNaisumite na ng Finance Committee ang budget para sa papasok na taong 2017 na nagkakahalaga ng P 450 million.

Sa panayam kay SB Member Jupiter Gallenero ng Committee on Laws and Ordinance, ang budget umano nitong 2016 ay pumalo sa P 400 million kung saan mas mataas ang nakalaan na budget sa susunod na taon.

Magkakaroon ng hearing ang mga SB kung saan sisiyasating mabuti ang mga allocation para sa iba’t- ibang departamento na gagamitin para sa mga proyekto at serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Nabatid na ang mga departamentong kabilang sa dadagdagan ng budget at may puspusan na pagsasaayos ay ang Solid Waste and Management na kinakailangan talagang pagtuunan ng pansin at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Magugunitang tatlong beses ng ginawarang ng DILG-6 ang bayan ng Malay ng Seal of Good Local Governance dahil maayos na pamamalakad ng LGU-Malay.

Samantala, sa nakalipas na apat na buwan, ni-review umano ng administrasyon ni Mayor Ceciron Cawaling ang mga ordinansa ng nakalipas na administrasyon para ma-isaayos ito.

Dagdag pa ni Gallenero na nakahanda na rin umano ang 16.5 M na supplemental budget para sa Solid Waste Office at kinakailangan umano ng magaling na manager para mamahala dito.

Ang Solid Waste and Management ayon kay Gallenero ay nararapat na tutukan dahil base sa R.A 003, kung hindi ito mabibigyan ng pansin ay maari itong imbestigahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

No comments:

Post a Comment