Posted December 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang sambit sa
panayam kay Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero patungkol sa pamamasada
ng mga habal-habal sa isla ng Boracay.
Tutol umano si
Gallenero sa pag-legalize sa dahilan na ang Boracay umano ay isang
international destination kung kaya’t gumagamit na nga ang isla ng e-trike para
maging standard ito katulad nalang ng ibang tourist destination.
Ito naman umano ay
sinang-ayunan ni Senior Transportation Regulation Officer Cesar Oczon Jr. ng
Municipal Transportation Office kung saan sa katunayan nagbigay siya ng
derektiba sa mga miyembro ng Malay
Auxiliary Pulis o (MAP) na paigtingin ang paghuli sa mga habal-habal driver
lalong-lalo na ang mga walang kaukulang permit to transport.
Aniya, ang habal-habal
ay talagang ipinagbabawal umano sa Boracay subalit may ilan paring mga kumukuha
umano ng permit to transport para gamitin sa pamamasada.
Sinabi rin nito
na walang habol sa mga habal-habal driver sakaling masangkot man sila sa
aksidente dahil sa walang ordinansa para sa pag-regulate sa kanila.
Samantala, muling
paalala ni Oczon sa mga habal-habal driver na sundin ang mga rules and
regulation ng Transportation Office at huwag abusuhin kung ano man ang mga
konsiderasyon na ibinibigay sa kanila.
Nabatid na nito
lamang nakaraang linggo ay 19 na mga motorsiklo ang itinawid pabalik sa mainland
dahil sa mga violation sa permit to transport.
No comments:
Post a Comment