Posted December 8, 2016
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Hindi pa rin tukoy ang isang
bangkay na nakita kahapon sa Brgy. Bugtong Bato, Ibajay, Aklan.
Ayon kay PO2 Victor Ilisan, Ibajay PNP,nakatanggap sila
ng report kahapon ng hapon galing sa isang concerned citizen matapos makita ang
bangkay malapit sa dalampasigan sa nasabing Brgy. kung saan agad naman itong
nirespondihan ng mga otoridad.
Sinasabing na-a-agnas na ang bangkay kung kaya’t hindi na
makilala ang kanyang mukha, bagama’t sinasabing ito ay isang lalaki na may taas
ng 5’6 at nasa edad ng 30 hanggang 40 anyos. Nakasuot ito ng pulang t-shirt at
black shorts.
Maliban sa nakataling tela sa kanyang bewang na may empty
shell na bala na pinaniniwalaang panlaban niya ito sa masasamang ispirito, ay
wala nang makitang palatandaan sa katawan ng biktima.
Samantala, wala naman umanong na-ireport na nawawala sa
nasambit na lugar.
Ngunit, kahapon umano ng hapon ay mayroong dumulog na
isang pamilya galing sa Antique kung saan ayon sa mga ito nawawala umano ang
kanilang kapamilya subalit negatibo naman dahil hindi raw umano ito ang
kanilang hinahanap.
Sa ngayon, patuloy pang kinikilala ang bangkay, habang
nakalagak ang kaniyang labi sa Belinario Funeral Homes.
No comments:
Post a Comment