Posted December 6, 2016
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Naisumite na ng Finance
Committee ang budget para sa papasok na taong 2017 na nagkakahalaga ng P 450
million.
Sa panayam kay SB Member Jupiter Gallenero ng Committee
on Laws and Ordinance, ang budget umano nitong 2016 ay pumalo sa P 400 million
kung saan mas mataas ang nakalaan na budget sa susunod na taon.
Magkakaroon ng hearing ang mga SB kung saan sisiyasating
mabuti ang mga allocation para sa iba’t- ibang departamento na gagamitin para
sa mga proyekto at serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Malay.
Nabatid na ang mga departamentong kabilang sa dadagdagan
ng budget at may puspusan na pagsasaayos ay ang Solid Waste and Management na
kinakailangan talagang pagtuunan ng pansin at ang Municipal Social Welfare and
Development Office (MSWDO).
Magugunitang tatlong beses ng ginawarang ng DILG-6 ang
bayan ng Malay ng Seal of Good Local Governance dahil maayos na pamamalakad ng
LGU-Malay.
Samantala, sa nakalipas na apat na buwan, ni-review umano
ng administrasyon ni Mayor Ceciron Cawaling ang mga ordinansa ng nakalipas na
administrasyon para ma-isaayos ito.
Dagdag pa ni Gallenero na nakahanda na rin umano ang 16.5
M na supplemental budget para sa Solid Waste Office at kinakailangan umano ng
magaling na manager para mamahala dito.
Ang Solid Waste and Management ayon kay Gallenero ay
nararapat na tutukan dahil base sa R.A 003, kung hindi ito mabibigyan ng pansin
ay maari itong imbestigahan ng Department of Environment and Natural Resources
(DENR).
No comments:
Post a Comment