Posted December 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isa umano ngayon sa
may pinakamataas na kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) Aids ay ang mga
nagtatrabaho sa Call Center.
Ito ang sinabi ni
Aklan Provincial Health Officer II Dr. Cornelio Cuachon, Jr. sa ginanap na
presscon kung saan base umano sa naitalang rekord, karamihan sa mga na-infect
ng naturang virus ay ang mga nagtatrabaho bilang call center agents.
Nabatid, kasi na ang
mga nagtatrabaho sa call centers na naka-duty sa gabi ay sumasama sa mga
ka-trabaho at kalimitang nauuwi sa unprotected sex kung saan dito umano
posibleng nangyayari ang paghawa ng HIV.
Kaya naman nais
ni Cuachon na maki-alam ang publiko sa ganitong usapin upang maging-conscious
umano sila sa kanilang kalusugan.
Kaugnay nito, sa
pinakahuling datos naman ng Provincial Health Office – Aklan may (80) walumpong
kaso ng HIV-Aids na ang naitala sa probinsya ng Aklan.
No comments:
Post a Comment