Posted October 4, 2016
Ni Inna Carol
Zambrona, YES FM Boracay
Masayang ibinalita ng Trans Aire Development Holdings
Corporation ang mas pinaganda at pinalakas na free Wifi service sa paliparan ng
Boracay Airport.
Ayon sa Trans Aire, ang lahat na bumibiyahe papunta at
palabas ng Boracay at probinsya ng Aklan ay maaari ng i-enjoy ang mas mabilis
na internet at digital surfing habang nag-aantay ng kani-kanilang flights.
Ang paglatag ng proyektong ito ay bahagi raw ng unang
bugso ng nationwide roll-out ng Smart mula sa 1 Billion na puhunan ng PLDT
Group para sa tumataas na demand ng Wifi hotspots sa lahat ng pantalan at
paliparan sa buong bansa.
Isa sa mga nakitang rason ay ang tumataas na bilang ng mga
gumagamit ng smartphone and digital at data services sa bansa.
Katunayan, ika labim-pitong paliparan na raw ang Boracay
Airport na kanilang kinabitan maliban sa mga seaports at mass transport system
tulad ng MRT at LRT sa Maynila.
Siniguro din ng pamunuan ng paliparan na angkop ito sa
mga foreign tourist na mahilig sa gadgets dahil sa lakas daw nito ay kaya
nitong serbisyohan ang mahigit tatlong libong katao na nais mag-konekta.
Samantala, balak din nilang lagyan ng kahalintulad na
serbisyo ang mga pantalan lalo na sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment