Posted October 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Natagpuan ang
isang patay na whale shark o butanding sa baybayin ng Barangay Naasug, Malay
nitong Sabado.
Ayon kay PO1 Neri
Garete Jr. ng Maritime Police, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa bantay
dagat sa lugar na meron umanong butanding na nakita kung saan agad naman nila
itong nirespundihan. Subali’t, patay at nangangamoy na ito ng kanilang
maabutan.
Aniya, posible
umanong matagal ng patay ang butanding dahil sa naaagnas na at putol na ang
ibang parte ng katawan nito ng napadapad sa naturang lugar.
Pinag-tulungan
naman umano nilang kunin ang patay na butanding na may sukat na labing pitong
talampakan ang haba.
Pina-niniwalaan naman
umano na dito lang sa karagatan ng Malay naninirahan ang nasabing whale shark.
Samantala,
nailibing na ito ng mga Local Officials sa bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment