YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 03, 2016

DTI Aklan, may-paalala sa publiko kaugnay sa mga bibilhing produkto ngayong pasko

Posted October 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

“Panahon nanaman ng kapaskuhan”

Isa ito sa mga naging pangunahing topiko sa ginanap na DTI Meets the Media on Consumerism sa bayan ng Kalibo.

Nabatid na ang mga Panelists ay sina DTI Aklan Officer In-Charge Carmen Iturralde, Mark Tropa ng Deped, Rodel Lababit, Agustin Bautista ng DENR at Milagros Cordova ng Office of the Provincial Agriculture kung saan ang naging bisita naman dito ay ang mga Media sa Aklan.

Kaugnay nito, sila ay nagsanib pwersa upang mas mapaigting pa ang kanilang pagmonitor sa mga bilihin lalong-lalo na sa mga kunsumidor.

Sa isinagawang presscon, binibigyan ng pagkakataon ng mga panelist ang mga taga-Media na magbigay ng katanungan hinggil sa mga binibiling produkto.

Samantala, isa nga sa mga naging tanong ng media dito ay kung  malalaman kung ligtas nga ba ang kanilang binibiling produkto, isa na dito ang dekorasyon para sa pasko lalo na ang christmas lights.

Ayon sa DTI-Aklan, dapat umanong mayroong Import Clearance Certificate (ICC) o Philippine Standard (PS) ang kanilang bibilhing Christmas lights kung saan ito umano ay nagpapatunay na aprobado ng DTI.

Samanata, paalala pa nito sa mga mamimili na dapat din umanong maging vigilant sa pamimili ng christmas lights na kanilang gagamitin sa kanilang mga tahanan para maging ligtas ang kanilang pamilya sa kapahamakan.

No comments:

Post a Comment