Posted October 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isa ngayon ang
Spa sa Boracay na maituturing na may malaking kontibusyon pagdating sa mga
turista dahil patok ito sa kanila pagdating sa pagpapamasahe.
Kaugnay nito, naging
usapin itong mga masahista sa ginanap na SB session nitong Martes, may
kinalaman sa umano’y nangyari kay SB
Nenet Aguirre-Graf ng ito ay nagpamasahe na naging dahilan kung bakit hindi
niya maigalaw ang kanyang katawan.
Nabatid na meron
umanong nagalaw ang masahista sa parte ng kanyang katawan dahilan para ito ay
sumakit.
Kaya naman nais
niyang ipa-abot sa mga kapwa miyembro sa Sangguniang Bayan ng Malay na kanyang
i-review ang ordinansa ng masahista ng sa gayon ay hindi sila makaperwisyo ng
kanilang mga customer lalong-lalo na ang mga turistang nagpapamasahe.
Aniya, dapat
umanong imbestigahan ang mga masahistang ito kung sila ba ay may akreditasyon
ng Department of Health (DOH) at kung paano sila tini-train bago bigyan ng
permit.
Kaugnay nito,
sinabi ni Vice Mayor Sualog na bago mag-renew ang massage operators ngayong
taon ay kailangan munang tingnan kung ang kanilang mga masahista ay mayroong
permit.
Nabatid na merong
ordinansa ang DOH para sa mga massage therapist na “No License, No Permit
Policy”.
Samantala, itong
usapin ay ini-refer na sa dalawang komite na pinamumunuan ni SB Natalie Paderes
sa Committee on Health and Sanitation at SB Jupiter Gallenero sa Committee on
Ordinance.
No comments:
Post a Comment