Posted October 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Aprobado na sa 11th
Regular Session ng SP Aklan ang accreditation sa mga Non-Government
Organization (NGO’s) sa Aklan.
Sa sesyon nitong
Lunes, inaprobahan ang accreditation sa ilang mga Non- Government Organization (NGO)
kung saan layunin nito na mag-operate at magkaroon ng transaction sa probinsya at
mapadali ang kanilang proyektong ipinapagawa.
Samantala narito
ang mga sumusunod na (NGO) na inaprobahan ng mga miyembro ng 17th SP.
1.Kalibo
International Airport Transport Asociation (KIATA), Incorporated
2.Men Opposed to
Violence Against Women Everywhere (MOVE) Aklan Incorporated
3.Rural Improvement
Club of Estancia (RICE)
4.World Vission
Development Foundation Incorporated
5.Madalag
Development Cooperative (MADECO)
Kaugnay nito, isa
rin sa paraan ng mga NGO ang pagpapa-acredit sa SP ay para magkaroon sila ng
pondo kung saan magagamit nila ito sa kanilang mga proyekto.
No comments:
Post a Comment