Posted
March 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Handa na umano ang Department of Education (DepEd) Malay
sa Senior High School sa pagsisimula ng implementasyon nito ngayong darating na
pasukan.
Ayon kay Senior High School Coordinator Val Casimero ng
District Malay, ready na umano ang mga silid aralan at mga gamit na gagamitin
para sa K-to-12 Program.
Sinabi nito na sa K-to-12 program ay magiging mandatory
ang kindergarten ng isang taon, anim na taon naman sa elementarya (Grade 1
hanggang 6), apat na taon sa junior high school (Grade 7 hanggang 10), at
dalawang taon sa senior high school (Grade 11 hanggang 12).
Layun umano ng programang ito na maging handa ang mga
kabataan sakaling sila ay didiritso sa kolehiyo, trabaho, negosyo at maging
globally competitive.
Ang k-to-12 ay mandato ng Republic Act 10533 Enhanced
Basic Education Act of 2013 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino Jr. noong
Mayo 9, 2015.
No comments:
Post a Comment