Posted March 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nilinaw ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na sa
darating pa na Marso 26 ang pagsisimula ng local campaign period.
Ito ang pag-kaklaro ng Comelec kung saan mahigpit na
ipinagbabawal ang pangangampanya sa Marso 25, lalo na’t tumapat ito sa Biyernes
Santo.
Ayon kay Getulio Esto ng Comelec Provincial Office,
iwasan muna ang pangangampanya o pag ikot-ikot ngayong Semana Santa at unahin
muna ang pag-alala sa naging sakripisyo ng Diyos.
Dahil dito magsisimula umano ang campaign kick-off ng mga
lokal na kandidato na kinabibilangan ng mga congressmen, governors, vice
governors, provincial board members, city and municipal mayors, at city and
municipal councilors ay magsisimula pa sa Sabado de Gloria.
Samantala, matatandaan na nitong Pebrero 9 nagsimula ang
campaign period para sa national candidates na kinabibilangan ng Pangulo,
Bise-Prsidente, Senador at Party-list representatives.
No comments:
Post a Comment