Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Doble paalala
ngayon ang Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Boracay sa mga magbabakasyon
ngayong Semana Santa.
Ayon kasi kay
Fire Officer 3 Oscar Deborja ng BFP Boracay, dapat umanong mag-doble ingat ang
publiko lalong-lalo na sa kanilang bahay na maiiwan pag-sila ay magbakasyon
kung saan sinabi nito na dapat i-off ang main switch ng kuryente para maka-iwas
sa sunog.
Bilin pa ni
Deborja sa mga residente na ipag-bigay alam sa kanilang mga kapitbahay kung
sila ay aalis upang ng sa ganon ay malaman na walang tao at mabantayan din nila
ito.
Kaugnay nito payo
naman niya sa mga babyahe gamit ang kanilang sasakyan ay i-double check muna
ang battery at gasolina bago ito gamitin upang maka-iwas nadin sa disgrasya.
Samantala,
naka-red alert din ang kanilang himpilan para sa seguridad ng tao ngayong
Semata Santa sa Boracay.
No comments:
Post a Comment