Pages

Wednesday, March 23, 2016

DepEd Malay handa na sa Senior High School

Posted March 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for k-to-12 programHanda na umano ang Department of Education (DepEd) Malay sa Senior High School sa pagsisimula ng implementasyon nito ngayong darating na pasukan.

Ayon kay Senior High School Coordinator Val Casimero ng District Malay, ready na umano ang mga silid aralan at mga gamit na gagamitin para sa K-to-12 Program.

Sinabi nito na sa K-to-12 program ay magiging mandatory ang kindergarten ng isang taon, anim na taon naman sa elementarya (Grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (Grade 7 hanggang 10), at dalawang taon sa senior high school (Grade 11 hanggang 12).

Layun umano ng programang ito na maging handa ang mga kabataan sakaling sila ay didiritso sa kolehiyo, trabaho, negosyo at maging globally competitive.

Ang k-to-12 ay mandato ng Republic Act 10533 Enhanced Basic Education Act of 2013 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino Jr. noong Mayo 9, 2015.

No comments:

Post a Comment